Miyerkules, Pebrero 20, 2013

TARA!... Magsaya Tayo.. :)

Kamusta kaibigan? Matagal na rin tayong hindi nakapag usap. Palagi kasing "busy", kesyo maraming ginagawa, naghahabol ng oras, may "deadline" na kailangan magampanan. Pero sa sobrang ka-busy-han ko, nakalimutan kong tumatakbo pala ang oras. Hindi ko namamalayang unti unti nang nawawala ang dating kayganda na sinag ng bukang liwayway. Nakalimutan kong batiin ang mga tao sa aking paligid na nagpapasaya ng araw ko. Nakaligtaan ko ring ipagpasalamat ang araw kong saan nakahinga ulit ako ng preskong ihip ng hangin.  Naisapagwalang bahala ko ang mga tawa ng mga batang masayang naglalaro sa gilid ng daan, naghahabulan at nagkakantiyawan.

Hindi ko rin namalayang lumipas na pala ang tanghaling tapat. Ang pagsasalo salo sa aking mahal sa buhay ay hindi ko matandaan kung kailan huli kaming nagsamasama. Ni hindi ko na malasahan ang sarap ng mga lutong dati ay aking kinagigiliwan. Ni hindi ko na rin maalala ang mga kuwentong masaya naming pinag uusapan tuwing kainan. Nakapanghihinayang na sana napapasaya ko ang mga taong dahilan kung bakit nandirito ako ngayon.

Ngayong nasa kalagitnaan na ng hapon, gusto kong balikan ang umaga. Gusto kong ikutin pabalik ang oras kung saan wala akong ibang iniisip kundi ang maging masaya at magpasaya. Sa bawat minutong lumilipas, hinihiling kong ito'y papunta sa oras na ako'y nakatawa, malakas at maligaya. 

Ngunit alam kong wala na akong magagawa. Habang unti unti ng kinakain ng gabi ang paglubog ng araw, mananatili na lng akong nangangarap na sana magtagal pa ang oras. Na sana hindi pa huli ang lahat at muli kong mabigyan ng ganap na KASAYAHAN ang hiram kong buhay. 

Ngayon ko lang napagtanto na hindi dapat sayangin ang oras sa mga bagay na gusto mo. Dapat, ang bawat galaw o hakbang mo ay may karampat na dahilan kung bakit kailangan mong gawin ito. Na sa isang banda, habang gumagawa ka, ikaw ay nagsasaya. Ang buhay ay napakaikli upang ibuhos lamang sa kung anu ang gusto mong makamit. Bawat isa sa atin ay nangangarap na maging masaya, ngunit kadalasan, maling daan ang ating tinatahak. Ito yong daan na tayo'y nagiging kakaiba sa tunay nating pagkatao.

Simple lang ang buhay, at simple lang din ang kailangan nating gawin upang maging makabuluhan ito. Sabi nga, kailan man hindi na natin maibabalik ang mga araw na lumipas. Pero ang tao ay mayroong 365 araw, 48 na araw ay araw ng pamamahinga. Hindi man lang nakakalahati sa araw na tayo ay nagtatrabaho. Kaya bakit kailangang pati ito ay ating ilaan sa trabaho? Di ba't ito ang araw para sa ating sarili at para sa ating mahal sa buhay? Simulan na natin ngayon.

May natitira pang oras, Kaibigan. Tara! Magsaya tayo...



(whew! maybe i'm just trying to convince myself! hehehehe)
A simple reminder for thyself! :D





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento